Ang "Lights Out" ay isang istorya na tungkol sa mga kababalaghang nagaganap sa isang motel. Akma ito sa modernong panahon natin dahil napaka-liberal ng mga tao ngayong henerasyon na ito.
Ang unang kaganapan ay ang bagong kasal na naisipan na mag-honey moon sa motel ng istorya. Sa sobrang kalasingan, nakatulugan ng lalaki ang babae sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik.
Ang pangalawang eksena naman ay tungkol sa isang profesor na may karelasyon na estudyante. Dito nalaman nila na buntis ang estudyante.
Ang sumunod na eksena naman ay ang mga estudyanteng gumagamit ng masamang gamot at kung ano pang-eksperimento na kanilang maisipan. Sadya lamang na ang kabataan sa panahon ngayon ay masyadong nakikibagay sa panahon na hindi naman dapat sabayan sa lahat ng oras.
Ang pang-apat na eksena ay tungkol naman sa babaeng pinatay ang kaniyang nobyo sa loob ng kwarto ng motel. Ito ay dahil sa isang text message na nabasa ng babae sa telepono ng kaniyang nobyo.
Ang huling eksena naman ay tungkol sa janitor at janitress ng motel na nagkahulugan ng loob.
Ang istorya ng "Lights Out" ay may halong komedya at liberalismo pagdating sa paglalahad ng sekswalidad. Maganda ang istorya kung liberal at bukas ang iyong isip. Ngunit kung ikaw ay isang konserbatib na tao, baka kamuhian no lang ang istorya.
Sa aking opinyon, masyadong malapit sa realidad ang kanilang istorya pero kung tutuusin, ito naman talaga ang katotohanan. Ito ang realidad na sadyang nangyayari ngayong panahon natin.
Tama lang ang setting ng play na ito at magagaling ang kanilang mga taga-ganap dahil todo-bigay naman talaga sila sa pag-arte.
Sa kabuuan, maganda naman ang kanilang play at maraming mapupulot na aral. Isa dito ay hindi dapat nagpapadala ang kabataan sa tulak patungo sa masama ng mga nakakasama. Matuto tayo na huwag umasa sa iba at pumili ng mga desisyon na talagang ikakasiya ng iyong sarili at ng mga taong importante sa iyo.
Wednesday, March 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Magaling ang pagsasalansan ng mga argumento ng pag-aanalisa. 95%
ReplyDelete